Una sa Balita

DOH binanatan sa pagpapauwi ng mga PUI sa Albay

0 264

Binatikos ni Albay Vice Governor Edcel Grex Lagman ang patakaran ng Department of Health (DOH) na pauwiin ang mga Persons Under Investigation na may sintomas na ng COVID-19.

“Huwag po ninyo ipasa ang obligasyon sa mga barangay captain at mga kagawad na hindi naman po mga duktor o health professionals,” sabi ni Lagman sa post niya sa Facebook. Nagpasa ng resolusyon ngayong Lunes ang Sangguniang Panlalawigan ng Albay na nananawagan sa DOH na iamiyenda ang protocol nito sa lalawigan ng Albay.

Paliwanag ni Lagman, pinauuwi ng mga doctor sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang mga PUI na may sintomas at pinapa self-quarantine na lang sa kani-kanilang mga bahay.

Kung magpositibo kasi ang PUI, marami ang mahahawa lalo na kung hindi sila istrikto sa pages-self quarantine.

Sabi ni Lagman, nag-alala ang mga taga-Albay sa pagpapauwi sa mga PUI para i-monitor na lamang ng Barangay Health Emergency Response Teams dahil bagong buo pa lang ang mga ito at kulang pa sa training. Wala ring mga personal protective equipment ang mga BHERTs maliban sa face masks na mga pagod na rin sa pagpapatupad ng lockdown nitong nakaraang 14 na araw nang wala pang natatanggap na suporta sa Malacanang.

Dagdag pa niya, layunin dapat ng DoH ang kalusugan ng pangkalahatan at ang pababain ang pagkakataong magkahawahan. Kung hindi na makakayanan ng government hospitals ang mga PUIs na may sintomas o ng mga pasyente na positibo sa COVID-19, dapat payagang i-refer sila mga private level 2 hospitals sa lugar na nangako na ng suporta.

“SPA (Sanggguniang Panglalawigan ng Albay) is committed to be a voice for the concerns of all LGUs in Albay. Ito ang tunay na local autonomy,” sabi ni Lagman. (Eileen Mencias)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More