Una sa Balita

DOH-Baguio naalarma sa pagdami ng buntis na menor de edad

0 467

NABABAHALA ngayon ang Department of Health (DOH) sa Baguio City dahil karamihan sa mga nagsisilang ng sanggol sa nasabing siyudad ay mga menor de edad.

Ayon sa source ng DOH-Baguio, tumaas ang nairekord na ‘live birth’ o bilang ng mga naisilang sa Baguio noong 2018 kumpara noong 2017.

Sinabi ng source na batay sa datos, bahagyang tumaas ng 1.75 porsiyento na katumbas ng 10,040 na live birth ang naitala sa City of Pines noong 2018 mula sa mahigit 9,000 noong 2017.

Mula sa nasabing bilang ay 47.8 porsiyento o katumbas ng 4,000 na sanggol ang isinilang ng mga may edad na 15-19 at karamihan sa mga ito ay itinuturing na illegitimate children.

Napag-alaman na karamihan sa mga isinilang ay mga lalaking sanggol.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy