DOH aprub sa paturok puwet ni Duterte

PAREHO lang ang epekto ng pagpapaturok ng COVID-19 vaccine sa braso o sa puwet.
Ito ang iginiit ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III matapos magpasya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa puwet bakunahan laban sa coronavirus disease.
“Ang importanteng katanungan, ‘yon bang epekto ng bakuna magiging pareho kung ituturok mo sa braso o dito sa may buttocks? Pareho lang po ang magiging epekto niyan dahil ‘yan naman po ang kanya pong inilikha is the immune response,” paliwanag ng kalihim sa isang televised briefing kahapon.
Basahin : Digong posibleng mauna sa bakuna – Roque
Pero hangad ni Duque na magbago pa ang isip ng Pangulo kasi alam ng marami na may mga world leader namang publicly nagpabakuna kontra COVID-19.
Basahin : Duterte tinawag na bulador mga senador
Samantala, binanggit ni Food and Drug Administration (FDA) Director Eric Domingo na bahala na ang indibidwal kung saang parte ng katawan siya magpapaturok.
Ayon kay Domingo, karaniwang naghahanap ang vaccinator ng ibang parte ng katawan na pwedeng bakunahan kapag may rashes o ibang medical concern ang braso ng tuturukan.