Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DOH abangers sa FDA booster shot basbas

0 207

Hinihintay pa ng Department of Health (DOH) ang mga guideline bago simulan ang booster shot sa mga immunocompromised, senior citizen at health worker.

Nilinaw ng DOH na ang rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council’s na nilagdaan ni Health Secretary Francisco Duque ay isa lamang interim recommendations para i-guide ang sectoral planning.

Ito umano ay ia-update depende sa resulta ng assessment ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) sa amendment ng Emergency Use Authorization, at ang rekomendasyon ng World Health Organization Strategic Advisory Group of Experts on Immunization sa Nobyembre.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ang rekomendasyon sa booster ay magiging policy na may operational plans ng DOH. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.