Una sa Balita

DOFW tututukan ni Sen Bong Go

0 228

ITUTUON ni Sen. Bong Go ang atensyon sa pagtatatag ng Department of Overseas Filipino Wor­kers (DOFW) alinsunod sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte para tugunan ang pangangaila­ngan at problema ng lahat ng mga OFW at kanilang pamilya.

Bago pa man magsa­lita ang pangulo sa OFW Summit sa Camp Aguinaldo, Quezon City hinggil sa agarang pagtatag ng naturang ahensya ay naisampa na ni Sen. Go ang panukalang batas na magtatatag ng ahensya.

Ayon kay Go, nais ng pangulo na ang itatatag na DOFW ay hindi lamang takbuhan ng mga OFW kapag may problema kundi pati na rin pagbabantay sa mga rec­ruitment at placement agency sa ibang bansa hanggang sa kanilang muling pagbabalik sa Pilipinas matapos ng kani-kanilang mga kontrata.

“Masakit makita o malaman na marami pa rin tayong mga kababa­yan ang naloloko ng mga illegal recruiters hanggang ngayon o dili kaya’y pinababayaan na sila ng kanilang agency matapos ma-deploy sa abroad kahit sinsaktan o inaabuso na sila ng kanilang mga amo,” ayon kay Sen. Go.

Sa panukala ni Go ang trabaho ng POEA, OWWA, at OUMWA ay malilipat na sa DOFW dahil ang ahensya na ang tututok sa recruitment hanggang sa makabalik sa bansa ang isang OFW.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy