Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DOF sisimutin pondo ng DTI-PITC

0 178

Sinisingil ni Finance Secretary Carlos Dominguez III si Trade Secretary Ramon Lopez sa P1.5 bilyong interes na kinita ng Philippine International Trading Corp. mula sa pondong inilagak dito ng iba’t ibang mga ahensiya para pambili ng kanilang mga pangangailangan.

Napag-alaman sa Department of Finance na sumulat na si Dominguez kay Lopez para hingin ang P1.5 bilyon na dapat inireremit sa Bureau of the Treasury dahil ang interes na kinita sa mga pondo ay galing sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Ang PITC ay nasa ilalim ng DTI at si Lopez ang chairman ng PITC board.

Ayon sa audited financial statement ng PITC, nasa P33.4 bilyon ang trust liabilities nito nung 2019 mas mataas kaysa sa P30.7 bilyon nung 2018. Ang interest income ng PITC nung 2019 ay nasa P596.1 milyon at P545.6 milyon nung 2018.

SM food to go Banner Ad

Pinakukuha na rin ni Dominguez ang P33-bilyong pondo ng iba ibang mga ahensiya na nasa PITC at pinalilipat ito sa BTr, sabi ng DoF.

Sabi ng DOF, nag-usap na sina Dominguez at Lopez tungkol sa sinisingil nitong interes na kinita ng PITC mula sa pondo ng iba’t ibang mga ahensiya.

Dagdag pa ni Dominguez sa kanyang liham, gagamitin ang pondo sa mga medical na pangangailangan dahil sa pandemic na pinalala pa ng magkakasunod na bagyo.

Sabi ng DOF, binigyan ng kopya ng liham si Budget Secretary Wendel Avisado at Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Dahil sa pagkuha sa P1.5 bilyong interes at P33 bilyong deposit ng ilang ahensya ng gobyerno sa PITC, mabobokya na sa pondo ang trading firm dahil nasa P33.4B ang trust liabilities nito. (Eileen Mencias)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.