Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DOE walang magawa sa oil hike

0 182

Aminado si Energy Secretary Alfonso Cusi na walang magagawa sa pagtaas ng presyo ng gasoline at diesel sa bansa.

Muling nagtaas ang presyo ng gasolina sa bansa at 12 linggong sunod sunod na ito at ngayong linggo ang pinakamalaki.

“It’s really tough. Masakit, masyadong mataas ang increase but we cannot do anything about the price because it is really dictated by the world market,” sabi ni Cusi sa panayam sa CNN Philippines.

Sabi ni Cusi, nakiusap na sila sa mga oil companies kung maaring bawasan ang kanilang kinukubra at damayan ang consumers ngunit matabang aniya ang kanilang naging pagtanggap sa mungkahi nito.

Sa halip ay humingi pa ang oil companies ng tulong sa pamahalaan dahil may problema diumano sila sa pagbili ng langis para sa kanilang imbentaryo.

Sa ngayon, irereview pa lamang ng DOE ang patakaran sa presyo ng langis sa bansa, partikular ang formula sa pagkwenta ng presyo.

Pinag-uusapan din aniya ng DoE at Department of Finance ang pagsuspinde ng excise tax na matagal nang panawagan ng maraming sector.

Nakatutok si Cusi sa energy deregulation law at amyenda nito para sa layuning masuspinde ang excise tax sa langis imbes na sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law (TRAIN) na nagpataw ng excise tax sa diesel. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.