Una sa Balita

DOE tutok sa oil supply bunsod ng Saudi bombing

0 267

MAHIGPIT na binabanta­yan ng Department of Energy (DOE) ang pangyayari sa Saudi Arabia matapos pasabugin ng mga drone ang ilang oil field dito noong Sabado.

Nagsagawa ng emergency meeting ang DOE noong linggo para mailatag ang mga hakbang na maari nitong gawin at nang hindi mapilay ang bansa sakaling magkaipitan sa suplay ng langis sa mundo.

“We are seeking to ensure that the energy family will be sufficiently prepared to face the potential impact of this unfortunate incident, if any, on the country,” sabi ng DoE kahapon.

Sa ngayon, mino-monitor ng DOE ang sitwasyon.

Walang sariling langis ang Pilipinas at umaasa lamang ito sa mga inaangkat para sa panga­ngailangan ng transport sector nito pati na sa iba pang gumagamit ng oil bilang fuel para sa kuryente.

Inaabangan naman ng Malacañang ang isusumiteng report ng Department of National Defense at DOE sa epekto ng drone attack sa Saudi sa supply ng langis sa bansa.

Subalit ayon naman kay Senador Win Gatchalian, ngayon pa lang ay dapat bumalangkas na ng contingency plan para matiyak ang supply ng langis sa bansa.

“The DOE, in cooperation with the local oil industry suppliers, should formulate a contingency plan that will temporarily replace Saudi oil in the short term until supply is normalized,” saad ni Gatchalian, chairman ng Senate committee on energy. (Eleen Mencias/Prince Golez/Dindo Mati­ning)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy