Una sa Balita

DOE sinita ng COA sa 60M airline ticket

0 256

Sinita ng Commission on Audit (COA) ang Department of Energy (DOE) dahil sa paggastos ng P116.46 milyong halaga ng airline t­icket, cellphone subscription at iba pang gastusin nang walang kaukulang dokumentasyon na isang paglabag sa Procurement Law.

Natuklasan ng state auditors na ang energy department ay naglabas ng daang milyong piso para sa pagbili ng t­iket sa eroplano, shuttle service, project stickers, cellphone subscription at bayad sa overtime at job order worker.

Ang ganitong klaseng gastos, ayon sa 2018 annual audit report, ay “i­rregular, unnecessary and excessive.”

Isa sa napansin ng COA ay ang napakala-king ginastos sa pagbili ng tiket sa eroplano na nagkakahalaga ng P60.51 milyon noong nakaraang taon lamang.

Sa ilalim ng Section 53 ng Republic Act No. 9184 o Government Procurement Reform Act, ang tiket sa eroplano ay kailangang bilhin sa Department of Budget and Management (DBM) Procurement Services. Pero sa private travel agency kumuha ng tiket ang DOE kayat nadagdagan ng “Administration Fees” ang tiket sa halagang P200-P250 sa domestic flight at P500-P1,850 sa foreign trip bawat ulo.

Isa pa sa malaking ginastos ng energy department ay ang P41.23 milyon para sa Job Order (JO) workers noong 2018.

Sa ilalim ng Civil Service Commission, COA at DBM Joint Circular No. 1, series 2017, hindi dapat kumuha ng mga contractual worker kung ang trabahong gagawin nila ay “are part of the job description of the agency’s existing regular employees.”

Sa halip, kumuha ang DOE ang kabuuang 169 contractual w­orkers kahit na mayroon namang 168 na available plantilla position na kailangang punuin sa katapusan ng taon.

Inirekomenda ng COA sa DOE na mahigpit na sundin ang Procurement Law at mga joint circular. Bukod dito, ang disbursement ng pondo ay kailangang kumpleto sa dokumento. (Yves Briones)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy