Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DOE, ERC inupuan Malampaya shutdown

0 79

Sa nakatakdang pagtigil ng operasyon ng Malampaya gas field sa Oktubre ay dapat umanong maglatag ng konkretong plano ang Department of Energy (DOE) upang masiguro na hindi ito magdulot ng pagtaas sa presyo ng kuryente at brownout.

Ayon kay House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate noong nakaraang taon pa nagsabi ang Malampaya sa shutdown mula Oktubre 2 hanggang 22 pero hanggang ngayon ay wala pa rin umanong naririnig ang publiko kung ano ang plano ng DOE.

Kung mamalasin, sinabi ni Zarate na mauulit ang nangyari noong 2013 nang magsara ang operasyon ng Malampaya.

“Did the DOE and the Energy Regulatory Commission (ERC) not learn anything from that situation almost a decade ago? Paulit-ulit na lang na sabay-sabay nagsiya-shutdown ang mga power plant tapos mamamayan ang sasalo ng mataas na kuryente, may naparusahan na ba sa mga generation company na palagi na lang ganito ang ginagawa?” tanong ni Zarate.

Kinakailangan ang pagtigil ng operasyon ng Malampaya upang maiwasan ang pagkasira nito na lalong magdudulot ng malaking problema kung hindi maiiwasan.

Apektado sa pagsasara ng Malampaya ang mga planta ng kuryente na nagsusuplay ng 3,200 megawatts.

“Industry insiders say that the DOE has been informed by the Malampaya consortium as early as last year on the preventive maintenance schedule of the gas field, but it seems that we have not heard of any concrete plans laid down by the department yet on how it can avert brown outs and rate hikes due to the shutdown,” dagdag pa ni Zarate.

Ipinunto rin ng solon na iniurong ng DOE ang maintenance activity ng ilang planta ng kuryente upang maiwasan ang rotational brownout ngayong buwan pero maaari umano na matapat pa ang pagsasaayos ng mga ito habang nakasara ang Malampaya na magdudulot ng labis na kakulangan sa suplay ng kuryente kaya posibleng maulit ang nangyari noong 2013. (Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.