Una sa Balita

Doc Willie Ong sa mga drug addict: Rehabilitasyon, hindi kulong!

By
0 962

MARIING ipinahayag ng senatoriable na si Doc Willie Ong na panahon na upang baguhin ng gobyerno ang estratehiya nito laban sa iligal na droga ­dahil tila nakakaligtaan na rehabilitasyon ang kailangan ng mga drug addict.

Sa isang exclusive interview ng Abante sa “doktor ng masa”, sinabi nitong nararapat umanong itrato ang mga drug user bilang mga may sakit na tao imbes na mga kriminal.

“98% kasi ay hindi naman talaga pusher, hindi sila seller, hindi sila drug lord, ginagamit lang nila kasi adik sila,” saad ng doktor.

Para sa doktor at ­social media influencer, dapat tingnan ang problema sa droga bilang isang health issue.

Giit niya, rehabilitasyon ang kailangan ng mga drug addict at hindi dapat na isiksik sila sa mga kulungan.

“Hindi simple ‘yung pagtanggal nito, ‘yung mga gumagamit ng shabu, based on stu­dies nagbabago ‘yung structure ng utak. Hindi nila mapipigilan ‘yan, kapag nakita nila hindi nila makokontrol, so kailangan nila rehab, may rehabilitation, may gamutan, kaila­ngan nila psychiatrist, psychologist, 6 months ‘yun para bumalik ‘yung utak nila sa normal, para ma-cure itong 3 million people who used drugs,” paliwanag ni Ong.

Dapat umanong alisin ang stigma na sila’y mga kriminal at isipin na sila ay mga pasyente na may lipunan na pa­tuloy na nagmamahal.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy