Una sa Balita

Doc Willie Ong: PhilHealth dapat ayusin

By
0 1,221

Isa ang PhilHealth sa mga nais ayusin at ­pagtu­unan ng pansin ng senatorial bet na si Doc Willie Ong sakaling palarin itong manalo sa ­darating na 2019 midterm elections.

Ayon sa ‘doktor ng masa’, malaki ang ­kakulangan ng PhilHealth sa bansa.

Ipinahayag ni Ong ang kanyang layunin sa pamamagitan ng kanyang Facebook post kung saan ay inisa-isa nito ang mga plano para sa PhilHealth.

“Libreng maintenance na gamot, laboratory tests at check-up mula sa PhilHealth. Isusulong natin na maibigay sa miyembro. Kaya ‘yan ­ibigay,” saad ni Ong sa kanyang post.

Dagdag pa ng doktor, 2014 pa lamang ay may plano nang ibigay ang libreng gamot at lab tests mula sa PhilHealth pero hindi matuloy-tuloy ­dahil walang nagsusulong nito sa Senado.

Sa isang mensahe na ipinadala ni Ong sa Abante, sinabi nitong ang development sa PhilHealth ang isa sa kanyang mga plataporma dahil kapag naisulong ang dagdag-benepisyo ay milyong mga Pinoy ang mabubuhay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More