Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Doc Willie Ong may pabigas, bitamina sa mga purdoy

0 434

Simula noong magsimula ang COVID-19 pandemic hanggang ngayon, patuloy pa rin ang pagtulong ni Doc Willie Ong sa mga mahihirap.

Sa kanyang Instagram post, inanusyo ng dating senatoriable na target siyang makapagbigay ng 1,000 sako ng bigas at 12,000 bitamina bago matapos ang taon.

“Wala na ako makitang good news. Kaya tayo na dapat gumawa ng Good News…Ang GOAL ko ay makabigay ng lampas 1,000 sako ng bigas at 12000 vitamins bago mag December… dibale na malugi,” saad ng doktor.

“Mas Mahalaga ang Yaman sa Langit kaysa sa Lupa,” aniya pa.

Kilala si Doc Willie at kanyang asawang si Dr. Liza Ong sa pagbibigay ng libreng konsultasyon sa mga tao.

“Palala ng palala ang Covid. Di natin alam kung sino tatamaan at hanggang saan ang buhay ng tao. Kaya habang nabubuhay, tuloy tuloy ang pagtulong natin sa mahihirap. Okay na ako sa Pribado. Survival na lang habol natin. Bahala ang Diyos sa buhay natin. God bless at mahal namin kayo,” wika pa niya. (RP)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.