Una sa Balita

Doc Willie Ong may health advice ngayong summer

0 312

NAGBIGAY ng mga tip sa publiko si Doc Willie Ong para maging presko ngayong summer.

Kabilang sa nirekomenda ng independent sena­torial candidate ay ang pagkain ng mara­ming gulay at uminom ng tubig.

Makakabuti rin, aniya na gumamit ng sunblock upang maiwasan ang sunburn.

“Don’t stay under the sun especially between 10 AM to 4 PM. Use a sunblock protection with SPF 15-30 or higher. If you get a sunburn, place a cold compress over the affected skin. Wear a wide-brimmed hat,” payo ni Ong sa post nito sa Facebook.

Hinimok din niya ang publiko na mag-ingat sa pagbibiyahe sa kalsada at ugaliin na tumigil sa paglalakbay upang sa gayon ay makaihi at maiwasan ang urinary tract infection.

“Have regular stop-overs. Stand up and stretch your arms, legs and back.

This can help reduce stagnation of blood and back pain,” dagdag pa niya.
Makatutulong din ang pag-inom ng walo hanggang 12 baso ng tubig kada araw at iwasan ang pag-inom ng softdrink at matatamis na inumin dahil nakapagdudulot lamang ito ng pagkauhaw.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy