Una sa Balita

Doc Willie Ong: Diborsyo sa ‘Pinas hindi napapanahon

0 933

Para sa senatorial bet na si Doc Willie Ong, hindi pa dapat na gawing legal ang diborsyo sa Pilipinas.

Kapag naging legal umano ang diborsyo nanganganib na maapektuhan din ang mga masasayang pamilya dahil magiging madali na ang pakikipaghiwalay.

“Wag muna nating ituloy tong divorce kasi kapag nagkaroon ng divorce, ibig sabihin yung lalaki o babae pwede silang magpakasal, tatlo o apat na beses. Yung asawa nya, siya balik nang balik sa simbahan tapos yung mga 95% na masayang marriages pwedeng maging delikado,” ayon kay Ong.

Sinabi pa ni Dr. Ong na ang diborsyo ay maari ring pagmulan ng health issue sa anak ng mag-asawang maghihiwalay.

“Ang problema dito may health issue din, yung mga anak natin tatanungin sila kung [yung magulang nila] diborsyado, and because of this, maraming bata sa ibang bansa nadedepress, mamaya may mag-suicide pa diyan dahil yung magulang nila naghiwalay. So magkakaron tayo ng bagong group sa Pilipinas ng mga divorcee, at yung mga batang divorce ang mga magulang so another health issue yan,”paliwanag nito.

Dagdag ng doktor, dapat palakasin ang mga batas tulad ng RA 9262 o Violence Against Women and Children Act pati na ang RA9745 o Anti-torture Act.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy