Una sa Balita

Doc Rob sagot sa dasal ni Patricia

0 1,203

Bongga ang impormasyon na nakuha ng mga ginang ng taha­nan sa guesting nina Doc Rob Walcher, at misis niyang si Patricia Javier sa online show namin ni Rey Pumaloy, ang Abantelliling nitong nakalipas na araw.

Waging-wagi dahil sa rami nga nang naituro ng mag-asawa sa kung ano ang dapat gawin kapag may sakit ka, o paano maiiwasan ang sakit, at siyempre, kung ano ang sikreto para mas maging matatag ang relasyon niyo.

Sabi ni Patricia, madalang silang mag-away ni Doc Rob.

“We don’t fight coz I don’t know how to fight in English. Parang, you’re mad? Okey. I’m just here. Hahahaha!” pakomed­yang sabi ni Patricia.

Anyway, kulang-kulang apat na taon na silang nasa Pilipinas, at 13 years na silang mag-asawa. Pero, bakit nga ba sila bumalik ng Pilipinas?

Sabi ni Doc Rob, bakasyon lang talaga­ for 6 months ang plano nila. Mag-enjoy, at bumalik sa San Diego.

Pero, nung nakita raw nila ang demand sa chiropractic, maraming tao ang nag-mensahe, nagtatanong sa kanila kung ano at paano makakatulong ang chiropractic, nagdesisyon silang manatili muna sa Pilipinas.

“Hindi naging madali for them, sa mga anak ko, at sa asawa ko. Sa akin kayang-kaya ko ito. Dito ako pina­nganak. At sobrang proud lang ako kay Doc Rob, kasi sa first year, second year namin dito, kahit mahirap sa kanya, in-embrace talaga niya ang pagtira sa Philippines.

“Nung una ang mga anak ko nagkaroon sila ng iba’t ibang sakit, like beke, bulutong tubig, lahat nagkaroon sila ng ganun, na hindi namin naranasan sa Amerika. Pero, buti na lang si Doc, naalagaan niya ang mga bata.

“Kay Doc more on food ang mahirap sa kanya. Sa mga bata naman, mga bata pa lang sila, they can adopt easily naman. Ako naman ang struggle ko, tatangapin pa ba ako sa showbiz?

“Bago kami bumalik sa Pilipinas, sinabi ko sa asawa ko, I stayed in America for 11 years, so this time, ikaw naman ang pumunta sa Pilipinas. At that time may offer ang Viva. Hindi madali dahil maraming artista ngayon.

“So thankful ako kay God na kahit ganun, maraming­ nagbukas na doors sa pagbabalik ko. Ang asawa ko full support siya sa akin sa showbiz.”

Nahihirapan pa rin ba si Doc Rob ngayon?

“I’m fully adjusted,” sagot ni Doc, dahil sabi nga niya, ang mga Pinoy ay amazing, kind, masaya lagi, at ang mga anak nila ay masaya, at ‘yun na nga, nagagawa nila ni Patricia ang mga gusto nilang gawin, tulad ng showbiz, at chiropractic.