Una sa Balita

Doc Eddie Licarte Trophy Race

By
0 821

LARGA ngayong gabi ang unang pakarera ng Doc Eddie Licarte Trophy Race na sinalihan ng mga kabayong may edad tatlong taon at nabibilang sa Group-4.

Ang mga kalahok ay sina Be The One, Zophany’s Dane, Marino Ng Tanglaw, Jacqueline coupled with Princess Eowyn, Mucho Complicado, Stalag Seventeen, Chinggis, Kristen Savings at Lady Sansa.

Itong si Princess Eowyn na papatungan ni Conrad P. Henson ang siyang ipinalalagay na ­angat sa laban, ayon sa mga racing expert.

At ang kabayong ­Chinggis na rerendahan ni Andrew R. Villegas ang ipinupunto rin na posibleng umagaw ng eksena dahil na rin sa halos magkapareho lang ang kanilang nairehistrong tiyempo.

Bibigyan ito ng dagdag papremyong P30,000 sa mananalong kabayo at doon naman sa sota o taga-alaga ng kabayo ay mayroon siyang isang sakong bigas.