Una sa Balita

Dobleng sweldo ng mga pulis, nasa August payslip dapat — PDU30

By
0 114

Naipatupad na ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang naunang ipinangakong dagdag-sahod sa mga miyembro ng kapulisan at militar.

“I hope it’s there, it’s shown in your… By December, it would have been complete. It’s reflec­ted on your August salary already,” dagdag nito.

Ang pagsuporta sa pangangailangan ng mga pulis at sundalo ay ibinigay ni Pangulong Duterte dahil alam aniya niya ang paghihirap na dinadaanan ng mga ito.

“Ang suweldo talaga kulang. That is why the first thing that I did was to announce, doble ang salary nila, nauna sila,” pagbibigay-diin pa ni Duterte.

Sinabi kamakalawa ng gabi ni Pangulong Rod­rigo Duterte sa awarding ng Metrobank Foundation Outstanding Filipino sa Heroes Hall ng Palasyo ng Malacañang na sa ilalim ng kanyang pamumuno ay walang magiging problema ang mga pulis at sundalo.

“Sa panahon ko, ang military pati ang pulis walang problem. I’ve been guaranteeing it day one sa pagka-presidente ko, that you’ll have eve­rything you need and lahat na, lahat ng weapons na makayang bilhin ng ating Republika. ‘Yung kaya lang. At para maitayo ninyo ang bansa ng ating bayan,” paghahayag ng Pangulo.