Una sa Balita

Doble malas! Parusa ng FIBA sa Gilas sakop ang PBA

By
0 2,413

MUKHANG namumuro din ang mga Gilas Pilipinas player sa PBA.

Anuman ang desis­yon ng FIBA sa siyam na Nationals na napatalsik sa playing court ng Phi­lippine Arena sa basketbrawl kontra Australia, malamang ay masasaklaw ang estado nila sa pro league.

Case in point: Ang kaso ni Kiefer Ravena.

Pinatawan ng FIBA si Ravena ng 18-month suspension sa paglalaro matapos magpositibo sa banned substance.
Dahil saklaw ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang PBA, hindi rin makapaglaro si Ravena sa NLEX habang binubuno ang suspension.

Sa nangyaring riot noong Lunes sa Bocaue – pinakamagulo sa basketball sa buong mundo sa kasalukuyan – na­ngangamoy suspension ang siyam na Filipino at apat na Australian.

Mabuti kung multa o suspension ng ilang laro lang ang ipataw sa mga pla­yer na sangkot. Iniimbestigahan ng FIBA ang gulo, sa mga susunod na araw pa inaasahan ang desisyon.

Maliban kina natura­lized Andray Blatche at Gilas cadet Troy Rike, puro PBA players na ang nasa Gilas ni coach Chot Reyes.

Kasama sa mga napatalsik sa laro sina Roger Pogoy, Jayson Castro, Troy Rosario at Terrence Romeo ng TNT KaTropa, Calvin Abueva at Carl Bryan Cruz ng Alaska, Japeth Aguilar ng Ginebra, at Matthew Wright ng Phoenix.

Nasa Gilas din sina Allein Maliksi ng Blackwater, Jio Jalalon ng Magnolia, June Mar Fajardo ng San Miguel, Gabe Norwood ng Rain or Shine at Baser Amer ng Meralco. Sina Fajar­do, Norwood at Amer lang ang naiwan sa court dahil hindi nakisali sa gulo.

Ipinatawag ng tanggapan ni Commissioner Willie Marcial ang Natio­nals kahapon para sa isang closed-door mee­ting. (Vladi Eduarte)