Una sa Balita

Do-or-die kami sa San Miguel – Tenorio

MAPANGANIB!

By
0 959

Finals Game 6 ngayon: (MOA Arena)
7:00 p.m. – SMB vs. Ginebra
Gin Kings lead series 3-2

KAMPANTE sa unahan ng PBA Commissioner’s Cup Finals ang Gineb­ra, 3-2, pero hindi puwedeng mag-relax ang crowd favorite.

Para kay LA Tenorio, ita-trato nilang do-or-die rin para sa kanila ang Game 6 mamaya sa MOA Arena.

“’Yung mindset namin going to the game on Wednesday is a do-or-die for us,” giit ng Gin Kings guard pagkatapos ng 87-83 win sa Smart Araneta Coliseum Linggo nang gabi. “We cannot give them a chance na maglaro for a Game 7 dahil mahirap kalabanin ang San Miguel.”

Tambakan ang unang apat na laro, naging pukpukan ang panglima bagama’t lumamang ng hanggang 38-26 ang Beermen.

Nagkaroon ng 15 lead change at 12 deadlock ang Game 5.

Tumapos si Tenorio ng 15 points mula sa 6-for-16 shooting, huli ang mula sa free throw sa final two se­conds na tumapos sa 9-0 run at nagselyo sa panalo.

Kung Never Say Die ang Ginebra, may sa­riling kulit din daw ang San Miguel at siguradong ibubuhos lahat dahil nanganganib nang mawala sa kanila ang korona.

Hindi na magtataka si Tenorio kung mapuwersa ang isa o dalawang overtime period mamaya.

“Closing out the series especially against San Miguel is really hard,” dagdag ng ve­teran guard na namigay pa ng five assist. “We’re not expecting a blowout game again for sure, especially with their backs against the wall.”