Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DMCI-Consunji bagsak sa P2B kita

0 365

Bumulusok ng 69% ang kita ng DMCI Holdings Inc. ng mga Cosunji at bumagsak sa P2 bilyon ang net profit nito sa first half ng taon kumpara sa P6.5 bilyong kita nung first half ng 2019.

Nasa mining, construction, power generation, real estate ang mga negosyo ng DMCI at isa rin ito sa mga may-ari ng Maynilad.

Sa kabila ng malaking nawala sa kita, binalewala ng DMCI Holdings ang epekto ng lockdown.

“Most of our businesses showed resilience during the lockdown period since they belong to essential industries like power, mining, and water distribution,” sabi ni DMCI Holdings chair and president Isidro A. Consunji.

Nabawasan ang kita ng Semirara Mining and Power Corp. ng P2.3 bilyon nitong first half ng taon at nasa P1.3 bilyon lamang samantalang nasa P3.5 bilyon ito nung first half ng 2019. Natapyasan din ang kita nito galing sa Maynilad na nasa P847 milyon samantalang nasa P1.1 bilyon ito nung first half ng 2019.

Tumba naman ang kita nito galing sa DMCI Homes na P38 milyon na lang ang inulat na core earnings ng first half ng taon mula sa P1.2 bilyon nung first half ng 2019.

Marami ang naging ilag sa housing projects ng DMCI matapos magkabitak-bitak ang ilang condominium nito sa Mindanao nang lumindol nakaraaang taon. (Eileen Mencias)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.