Una sa Balita

DLSU coach De Jesus reresbak

By
0 2,075

STANDINGS
TEAMS W L
DLSU 10 2
Ateneo 9 4
FEU 8 4
NU 7 6
AdU 5 7
UP 5 8
UST 4 9
UE 2 10

Mga laro ngayon:
(The Arena-San Juan City)
2:00 pm — DLSU vs AdU
4:00 pm — FEU vs UE

NAKATIYAK na ng playoff para sa No. 2 na may twice-to-beat sa Final Four, poporma­lisahin pa ito ng reigning two-time champs De La Salle University sa paghihimagsik sa umaasa pa sa semifinals na Adamson University.

Sa pagpapatuloy ito ngayon ng 80th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s indoor volleyball tournament second round eliminations sa The Arena sa San Juan City.

“Well, isa sa mga goal namin eh balikan ‘yung mga tumalo sa amin. Gusto naming matapos itong season na lahat nabawian namin kung sino man ‘yung tumalo sa amin,” litanya ni DLSU Lady Spikers coach Ramil de Jesus.

Nalasap ng Taft-based volleybelles ang 18-25, 25-15, ­19-25, 22-25 upset loss sa AdU Lady Falcons noong Pebrero 24. Pero hindi pa natatalo ­tapos nang pagkasilat na iyon.

Kung makaresbak ang lider na mga La Salista (may barahang 10-2 panalo-talo) sa nasa panlimang mga balibolistang taga-San Marcelino (5-7) sa alas-dos ng hapon, hindi lang nito matutudla ang insentibo sa semis. Malilibre na ring pu­malaot sa F4 ang nasa pang-apat na National University (7-6). ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy