Una sa Balita

DLSU babawian ni Cansino, UST

0 329

Standings W L

Ateneo 12 0

UP 7 4

UST 7 5

FEU 6 6

DLSU 5 6

Adamson 4 7

UE 3 9

NU 2 9

Mga laro ngayon:

(Smart Araneta Coliseum)

10:30am — NU vs UP

12:30pm — Adamson vs FEU

4:00pm — DLSU vs UST

IKATLONG dikit na panalo at paghahabol sa No. 2 spot ang pakay ng University of Sto. Tomas (UST) Growling Tigers pagbalik sa hardcourt katapat ang De La Salle University (DLSU) Growling Tigers sa main game ng triple header alas-4 ng hapon sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Tinalo ng La Salle ang UST sa unang round noong Setyembre 28 sa iskor na 92-77 sa pabida nina Encho Serrano na ma 29 markers at Brent Paraiso na may 22 marka, kaya naman nanggigigil rumesbak ang mga taga-España.

Nakasakay ang UST sa two-game streak, pinakahuli ang 88-76 tagumpay laban sa National University (NU) Bulldogs nitong Oktubre 19 sa pagtutulungan nina Soulemane Chabi Yo na nagtala ng 16 points at 14 rebounds, CJ Cansino (15 points), Renzo Subido (14), Mark Nonoy (12) at Rhenz Abando (9).

“Papanoorin pa lang namin kasi every game may ginagawang bago ‘yung La Salle. And they’re a different team compared dun sa first round. Habang tumatagal mas lalong naglalaro sila nang maayos, which is halos lahat ng team naman,” saad ni UST head coach Aldin Ayo.

“Halos lahat naman ng teams ganun kasi patapos na ‘yung season. So we’ll just prepare kung ano ‘yung meron sa kanila.”

Sa kabilang dako, bigo ang Green Archers (5-6) laban sa FEU Tamaraws, 60-81, sa kanilang huling laro. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy