Una sa Balita

Djokovic subsob kay Thiem

0 332

NAPAKARAMING suntok na pinakawalan si Dominic Thiem, kahit si Novak Djokovic ay hindi kinayang salagin.

Sa seesaw match na tumagal ng halos tatlong oras, naligtasan ni Thiem si Djokovic 6-7 (5), 6-3, 7-6 (5) nitong Martes para maging unang player na umabante mula group stage ng ATP Finals sa London.

“It was maybe the best match I ever played,” bulalas ni two-time French Open runner-up Thiem. “It was a real classic and epic match which will happen from time to time at these big tournaments. It had everything – He was up, I was up. He was playing amazing points. Me, I was playing amazing points.”

Nag-rally sa third set si Djokovic para lumamang 4-1, pero tinuhog ni Thiem ang five straight points bago naipasok ang pangalawa niyang match point.
Sasalang si Djokovic sa winner-take-all match laban kay Roger Federer para desisyunan kung sino ang sasama kay Thiem sa semifinals.

Tinalo ni Federer si Matteo Berrettini 7-6 (2), 6-3, pareho sila ni Djokovic na 1-1 bago ang huling mee­ting sa round-robin match. Si Thiem ay 2-0, unang biniktima si Federer. Out na si Berrettini sa 0-2. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy