Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Djokovic isinuko ang bronze

0 39

UUWI nang walang medalyang bitbit si world number one men’s tennis player Novak Djokovic nang mag-withdraw sa 32nd Summer Olympic Games 2020+1 mixed doubles nitong Sabado sa Tokyo, Japan.

Nirason ng 34-anyos na Serbian netter sa pag-atras sa torneo ang shoulder injury.

Dahil sa paga-tras niya sa paligsahan, nag-automatic bronze na ang makakalabang Australian pair.

Hindi rin mapalad sa singles ang tennis star nang gulantaangin ni Alexander Zverev ng Germany sa semis.

Pero wala namang panghihinayang si Djokovic sa pagkabokya sa medalya sa quadrennial sports conclave.

“I do have a regret for not winning a medal for my country and opportunities missed both in mixed doubles and singles and, yeah, I just didn’t deliver yesterday and today,” anang tenista.

Ito na rin ang ikatlong Olympic stint ni Novak na wala siyang napanalunang medalya. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.