Una sa Balita

Djokovic hadlang kay Federer

By
0 301

SI Roger Federer ang back-to-back champion ng Australian Open, pero para sa Swiss maestro ay si Novak Djokovic ang man to beat sa first grand slam event ng 2019.

Maganda ang preparasyon ni Federer sa Aussie Open sa likod ng halos perpektong kampanya sa Hopman Cup sa Perth nang ipanalo ang lahat ng singles matches sa straight sets sa mixed teams event para giyahan ang Switzerland sa second straight title.

Mula Perth, nag-eroplano na ang 37-year-old star papuntang Melbourne ilang araw bago ang Austra­lian Open na papalo sa Jan. 14-27.

Si Djokovic ang nakikita ni Federer na pinakamatinding balakid sa paghahabol ng kanyang third straight Open crown.
Hari ng US Open at Wimbledon noong isang taon si Novak at muli ay No. 1 na sa world rankings. Pero natalo ang 31-anyos na si Djokovic kay eventual champion Roberto Bautista 3-6, 7-6 (8-6), 6-4 sa semifinals ng Qatar Open noong Sabado.

Hahabulin ni Djokovic ang pampito niyang titulo sa Melbourne na idadagdag sa koleksiyon nang 14 grand slam titles.
“No doubt about it. I think he’s the favorite,” ani Federer, may 20 majors sa bulsa. “Regardless of what happened in Doha, the guy had a ­super strong last five, six months of the year.”

May thigh injury ang isa pang astig na si Rafael Nadal at umatras sa Brisbane International pero inaasahang babalik sa Melbourne.

“It’s the same with Rafa. We know when he’s 100 percent how tough he is to beat,” dagdag ni Federer. “The moment these guys show up 100 percent, they’re always going to be the favorites.” ()