Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DJ dinedbol ng personal driver

0 103

Isang DJ ang binawian ng buhay matapos siyang mabaril ng kanyang sariling driver at bodyguard nitong Sabado.

Nakita ang katawan ni Rizalino Torralba, na kilala bilang si ‘Inday Ruping’, sa loob ng isang tuluyan sa Brgy. Mansasa sa Tagbiliran City, Bohol.

Si Torralba ay isang entertainer at DJ sa Kiss FM.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sumuko naman ang driver nitong si Andrew Fronteras at pinaliwanag na aksidente lang ang pagkakabaril niya sa kanyang amo.

Ayon sa pulisya, bago ang krimen ay nagtalo umano sina Torralba at Fronteras, at bandang alas-11:00 ng gabi ay nakita sa CCTV na papalabas na ang driver mula sa kanilang tinutuluyan. (Ray Mark Patriarca)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.