Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Distancing sa jeep, tren niluwagan

0 265

Pinayagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na bawasan ang sukat ng physical distancing ng mga pasahero para madagdagan umano ang bilang ng sumasakay sa mga pampublikong transportasyon simula sa Setyembre 14.

Mula isang metrong distansya sa mga upuan ay gagawing kalahating metro na lamang para mabigyan ng pagkakataon ang ibang pasahero na makasakay sa mga pampublikong sasakyan.

Maaaring mabawasan pa umano sa mga susunod na linggo ang distansya na ito sa pagitan ng mga pasahero.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, kailangan ito para sa transisyon ng bansa tungo sa `new normal’ kung saan maraming manggagawa ang babalik na sa kanilang mga trabaho at magbubukas na rin ang marami pang negosyo na natigil ang operasyon dahil sa pandemya.

Istrikto pa ring ipatutupad ang pagsusuot ng face mask at shield, bawal pa rin na magsalita o tumawag sa mobile phone ang mga pasahero habang lulan ng pampublikong sasakyan.

Papayagan din ang “standing passengers” sa mga modern jeepney basta paiiralin ang physical distancing.

Kasama sa mga pampublikong transportasyon ang mga jeep, Metro Rail Transit (MRT), Light Rail Transit (MRT), Philippine National Railways (PNR), at mga bus. (Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.