Una sa Balita

Disney Girls rumampa sa 3YO Maiden race

By
0 307

IPINAKITA ni Disney Girls ang kanyang tikas sa rematehan matapos sikwatin ang panalo sa 3-year-Old & Above Maiden race noong Huwebes ng gabi sa Metro Turf Malvar-Tanauan City Batangas.

Nanood ng karera si Disney Girls kasama ang hinete nitong si class B rider EL Blancaflor sa likuran.

Nasa unahan ang liyamado at coupled-entry na Believe Me (2) at Divorciado (2A), tangan nila ang unahan hanggang sa huling kurba.

Pero malakas na umuusad ang winning horse, pagkakuha ni Divorciado ang bandera kay Believe Me ay sumunod na agad si Disney Girls.

“Maganda ‘yung dinaanan namin walang sagabal kaya nakuha namin ang bandera,” masayang sabi ni Blancaflor.

Sa bandang labas dumaan si Disney Girls at sa huling 100 metro ng laban ay nakuha na ang unahan. 

Sumegundo si Divorciado habang terserong tumawid sa meta si Crystal Creek.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy