Una sa Balita

Diskwento Caravan nasa M. Manila

By
0 4

Nasa Metro Manila na nga ulit ang Diskwento Caravan: Balik Eskwela Edition at sa pagkakataong ito ay pinalawig pa ang kanilang pag-arangkada hindi lang sa kalunsuran kundi maging sa mga katabing probinsya.

Kaya naman pana­wagan ni DTI Undersec. Victorio Dimagiba na samantalahin na ang pagkakataong ito na maka­kabili ng mga produktong abot-kaya ang presyo.

Ayon kay Dimagiba, papalawigin pa hanggang sa Biyernes (Hun­yo 17) ang Diskwento Caravan na makikita sa kanilang showroom sa Makati City.

Aarangkada rin ang Diskwento Caravan sa bahagi ng Parañaque City sa Huwebes at Biyernes.

Makikita sa Diskwen­to Caravan ang mga school supplies, pati na mga sapatos, bag, baunan at iba pang gamit ng mga bata, na mabibili sa mas murang halaga kumpara sa mga mall at kilalang bookstores.