Una sa Balita

Diskwento caravan ilulunsad ng DTI sa Mindoro

By
0 1,739

MAAGANG magsasagawa ng Diskwento Caravan ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa mga nais na mamili ng maaga ng mga school supplies na mabibili sa murang halaga sa San Jose town plaza sa Occidental Mindoro.

Nakatakdang buksan ang caravan sa May 17-18 na kung saan ay inaasahan na ang pagdagsa ng mga mamimili na nais bumili ng maagang gamit sa eskuwela at iba pang produkto sa murang halaga mula sa DTI.

Ayon kay Noel Flores, DTI Provincial Director, taunang isinasagawa ng paglulunsad ng caravan na kung saan ay mabibili sa murang halaga ang mga school supplies gamot, bigas mula sa National Food Authority (NFA) at iba pang mga pangunahing bilihin.

Dagdag pa ng opis­yal, sa pamamagitan ng caravan, nabibigyan ng pagkakataon ang mga lalahok na establisimyento na makatulong sa komunidad.