Una sa Balita

Diskriminasyon ng mga healthcare worker sa Bacolod kinondena

By
0 514

Umapela sa publiko ang gobernador ng Negros Occidenta na huwag i-discriminate ang mga healthcare worker na nagsisilbing mga frontliner laban sa paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ginawa ni Governor Eugenio Jose Lacson ang panawagan dahil sa mga ulat na nakaranas ng diskriminasyon ang mga medical worker ng isang ospital sa Bacolod City nang malaman na may inaalagaan silang pasyente na nagtataglay ng COVID-19.

Base sa mga ulat, pinalalayas diumano sa kanilang boarding house ang mga medical staf ng nasabing ospital.

“They are the ones facing our enemy, our faceless enemy,” sabi ni Lacson

Dagdag pa nito na ang mga healthcare worker ang nagsasakripisyo ng kanilang buhay para lamang maalagaan ang mga pasyete.

Base sa liham galing kay Riverside Medical Center Corporate Communications head Chuck Estrella, ilan sa kanilang mga medical staff ang hindi na pinasasakay ng mga pedicab o jeep matapos mabalitaan ang unang kaso ng COVID-19 patient sa rehiyon,

Maging ang mga coffee shop umano ay tumatangging papasukin ang mga medical staff ng nasabing ospital at ang iba ay pinagsasalitaan pa ng mga pulis.

May mga ulat din na ilang landlord at kanilang mga kapitbahay ang humiling na umalis ang mga medical staff sa inuupahang apartment at boarding house dahil sa takot na makontamina sila.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More