Una sa Balita

Diskarteng Marcos, kopya ni Duterte

By
0 5

Umalma ang isang senador sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng mga officer-in-charge (OIC) sa mga barangay kapag nakansela ang barangay elections ngayong Oktubre.

Ayon kay Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, nakababahala ang plano ni Duterte dahil kinokopya nito ang idelohiya ng namayapang diktador na si Ferdinand E. Marcos.

“It is worrisome that the President should even contemplate such a rash decision that encroaches dangerously into authoritarian ideologies reminiscent of those harbored and exemplified by the former dictator Ferdinand Marcos,”patutsada ni Pangilinan.

Kahapon isiniwalat ni Interior and Local Government Secretary Mike Sueno na bukod sa hangarin ni Duterte na muling isuspinde ang barangay elections, gusto rin niyang magtalaga na lamang ng OIC sa mga barangay.

Noong Oktubre 2016, kinansela din ang barangay elections matapos aprubahan ng Kongreso ang panukalang i-postpone ang halalan sa Oktubre 2017.

Sinabi ni Pangilinan na ang pundasyon ng Philippine government ay nakaugat sa pinakamaliit na unit ng gobyerno.

“We urge him (President Duterte) to rethink this particular move. Let the people choose who they wish to serve them,”giit ng senador.