Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Diskarte’

0 514

Isa sa viral na Tiktok video ngayon ay ang Binibining Marikit.

Nakaka-last song syndrome bukod pa sa original Pilipino musicito.

Alam n’yo ba na ang Tiktok ay isang magandang halimbawa ng futures thinking?

Ang wireless telegraphy ay naisip na noon pang 1906.

Ngayon ang lahat ng nais na ipahayag lalo sa pamamagitan ngpagsayaw o pag-arte ay naiti-Tiktok na.

‘Pag tinanong nga ang mga tao, lalo na ang mga bata kung anoang kanilang talento, ang sagot nila ay mag-Tiktok.

Ang pag-iisip sa hinaharap ay isang paraan na tuklasin ang bagoat ‘di pa tiyak na posibilidad.

Bilang isang teacher at trainer, nasaksak sa isip ko na angpagtuturo at pagsasanay ay ‘di maaaring gawin nang ‘di magkaharap ang guro at kanyang mga estudyante.

Ang Zoom at Google Teams meeting ay malayo sa katotohanannoon.

Sino ba ang nag-akala na darating ang isang pandemya?

Ang teknolohiya pala na ‘di pinapansin noon ay maghahari sabuhay at kabuhayan lalo na ng mga Pilipino.

Kontrolado na nga raw tayo ng audio at video mute at unmute.

Mula selfie at groupie ay uso na ang zoomie.

Kailangan sumunod sa agos ng buhay, maging sino ka man.

Related Posts

‘Realidad’

Duyan

Katulad ng Tiktok at Zoom, uso rin ang “diskartech” at “negosyantech” ngayon.

Ayon sa mga micro, small at medium enterprises mentor, kayangtalunin ng mga maliliit na negosyo ang pagsubok sa ekonomiyaat lipunan hatid ng CoViD-19.

Ang sikreto daw ng coping mechanism para magtagumpay sakrisis pampinasyal sa gitna ng pandemya ay ang pagigingmalikhain.

Ito ay sa tamang paggamit ng teknolohiya sa pagnenegosyo natinatawag na “#diskartech”.

Ngunit bago maging madiskarte ang mga tao, lahat daw ay daraan sa sumusunod na limang hakbang o baitang.

1) Tiis-tiis (Habang maliit ang kumot ay matutongmamaluktot)
2) Hagilap (Kung may isinuksok ay may mabubunot/Kung may itinanim ay may aanihin)
3) Hingi ng Awa (Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa)
4) Para-paraan (Kung gusto ay maraming paraan, kung ayaway maraming dahilan)
5) Kaya (Unti-unti ay mararating, kalangitan at bituin)
Anong level na kayo sa bahagdan na ito lalo na ang mgababaeng madiskarte, ang mga makabagong binibining marikit?

Isang yugto na lamang ng kasaysayan na ang mga babae ay ‘di kapantay ng mga lalaki.

Malaki ang papel na ginampanan ng mga kababaihan sakanilang pamilya at sa “new” economy sa panahon ngpandemya.

Bukod sa masisikap na haligi ng tahanan ay nandyan ang mgailaw ng tahanan na ‘di tumigil sa pag-iisip kung paano kumitapara may pang-tustos sa pang-araw-araw na pangangailangan.

Sila ang mga online seller. Kasama na rin ang mga vloggers, livestreamers o online gamers. Mga negosyantech na masigasigsa paggamit ng teknolohiya ng social media.

Napanood ko kamakailan ang mga mahuhusay na online gamers at vloggers na limpak-limpak na salapi ang kinikita gamit anggaling at talino sa paglalaro at pang-aaliw sa mga manonood.

Bilog nga naman ang mundo.

‘Di lang ang mga tradisyonal na paraan ng pagtatrabaho o pagnenegosyo ang p’wede.

Ang internet of things ay nagluwal ng mga bagong“#negosyantech”.

Bahagi sila sa lumalagong digital economy na dati ay paralamang sa mga malalaking negosyante na may puhunan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.