Una sa Balita

Disiplina sa kalsada

0 321

Holiday rush na naman at pasikip nang pasikip ang sistema ng trapiko habang papalapit ang Pasko. 

Sandamakmak ang sales sa mall at bazaar, kaliwa’t kanan ang shopping at Christmas parties kaya naman ang sikip ng kalsada lalo sa Metro Manila.

Tiyak problemado na naman ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagresolba sa kapal ng libo-libong sasakyan at commu­ters sa lansangan araw-araw.

Pero may mga local government unit (LGU) na tumutulong din sa pagsugpo ng problema sa masikip na kalsada. 

Tulad na lang ng Parañaque na nagpapatupad ng “no-contact traffic apprehension system” kung saan hinuhuli sa pamamagitan ng high-definition cameras ang mga violators sa kalsada. 

Sila ang kauna-una­hang LGU na gumamit ng ganitong sistema sa kanilang siyudad. 

Nasi-save ng came­ra ang sinumang gumawa ng violation at nakukuha ang plaka nito, kasunod ang pagpapadala ng ticket sa kung kanino nakare­histro ito. 

Walang lusot ang barumbado sa kalsada. Wala na rin ang kotong dahil maiiwasan na ang pag-aayos sa mga enforcer na dumidilihensya.
Sa pagkakataong ito ay mataas ang pagtingin natin sa Parañaque. 

Napakalaking kontribusyon din sa kabuuan kung ang bawat siyudad ay magiging responsible sa traffic management sa kanilang lugar. 

Aba, isipin niyo na lang kung lahat ng siyudad ay magpatupad ng ganyan, sigurado akong kahit papaano ay luluwag ang kalsada at aayos ang daloy ng trapiko. 

Kapag may camera kasi, matatakot ang sinuman na mag-violate sa batas dahil alam niya na mahuhuli siya.

Kapag hindi mo hinarap ang violation ticket na ipapadala sa iyo, mahihirapan kang mag-renew ng lisensya.

Ayon sa mga pag-aaral ng eksperto at urban planners, ang Metro Manila ay isa sa may pinakamalalang kondisyon ng trapiko sa buong mundo. 

Kasama pa nito, ang laki ng nawawala sa ating ekonomiya araw-araw dala ng inefficiency na dala ng bad traffic, ika nga. Sa atin mismong mga commuter ay ramdam natin ‘yan araw-araw, ‘yung oras na iginugugol natin sa traffic sa ating mga pagbiyahe ay oras na maaari na­ting nailaan sana sa ating pamilya o trabaho at naging mas produktibo pa tayo.

Kaya nga pasalamat tayo kay Mayor Edwin Olivarez at naisip niya ang ganitong solusyon para sa Parañaque. 

Hindi biro ang magpatupad ng ganitong sistema. Aba I’m sure madaming magre-react diyan.

Alam mo naman tayong mga Filipino, minsan tayo na mali ay tayo pa ang galit! 

Hindi natin nakikita na sa atin mismo dapat nagsisimula ang disi­plina. 

Kailangan talaga ng lider na mahusay para  maipatupad ang disiplina sa kalsada. Sana ganito na rin ang maging sistema sa ibang siyudad tulad ng Maynila at Quezon City kung saan makapal rin ang daloy ng trapiko at marami ding magulong magmaneho.

Higit pa riyan ay nakakatulong din sa seguridad ang camera katulad ng pag-monitor ng krimen atbp. Panalo ang sistemang ito ng Parañaque. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy