Una sa Balita

Disenteng suweldo sa manggagawa giit ni Angara

By
0 384

HINDI lang paglikha ng maraming trabaho ang kailangan ng mga Pilipino kundi disenteng ­trabaho na may maayos ding pasuweldo.

Ito, ayon kay re-electionist Senator ­Sonny Angara, ay isa sa mga paraan na dapat ­bigyang-katuparan ng pamahalaan upang ‘di na mangibang bansa ang mga Pilipino at dito na lamang sila maghanap ng trabaho.

“Hindi lang sapat ‘yung makalikha tayo ng trabaho. Dapat, maayos na trabaho para hindi na tayo lisanin ng ating mga kababayan para maghanapbuhay sa ibayong dagat,” ani Angara, muling tumatakbo sa pagka-senador sa ilalim ng platapormang Alagang Angara.

Ayon kay Angara, maaaring ikonsidera ng gobyerno ang paglulunsad sa isang “made in the Philippines” campaign, na magiging bentahe ng bansa sa services sector.

Liban kasi aniya sa nangunguna ang ­Pilipinas bilang exporter of services ay isa rin itong services economy.

Lumakas ang ekonomiya nang hanggang 6.1 percent sa fourth quarter ng 2018, dahil sa services sector na nakapagtala ng pinakamataas na bahagi sa gross domestic product na umaabot sa 56.2 percent. Sumunod dito ang industriya na may 34.8 percent at agrikultura na may 8.9 percent.

Hinimok din ng senador ang pamahalaan na palakasin ang investments sa manufacturing sector dahil napakalaki aniya ng potensyal nito na makalikha ng maraming trabaho.

Sinabi pa ng senador na malaki ang potensyal ng nasabing sektor upang makalikha pa ng trabaho para sa mahigit 2 milyong Pilipino.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy