Una sa Balita

Disenteng babae si Andrea — Derek

0 540

By Ruel Mendoza

Nagsalita na si Derek Ramsay tungkol sa hiwalayan nila ng kanyang girlfriend of six years na si Joanne Villablanca. Naging tahimik lang ang bagong Kapuso actor noong pumutok ang balita ilang linggo na ang nakakaraan.

Ayaw daw kasing maapektuhan ni Derek ang kanyang trabaho sa paglabas ng balitang iyon. Nagte-taping daw kasi siya that time ng GMA teleserye na “The Better Woman.”

“Yes, we have broken up. I’d like to keep that between the both of us. It’s all for the best.

“It wasn’t sigawan, murahan, ‘yung mga ganu’ng klaseng break-up. Walang ganoon. It was mutual,” pagkumpirma ni Derek.

Pinagtanggol naman ng aktor ang leading lady niya sa “The Better Woman” na si Andrea Torres. Ito raw kasi ang sinisisi ng mga netizen sa paghihiwalay nila Derek at Joanne.

“That’s unfair naman to Andrea na nadadamay pa siya, kasi, lea-ding lady ko siya. Andrea is a great person, and I got a great friendship with Andrea.
“Disenteng babae po si Andrea. That’s not fair na nadawit pa siya sa break-up namin. Unfair naman na si Andrea na sinabihan nilang dahilan, eh, hindi naman,” diin pa niya.

Samantala, nakatanggap ng bashing si Derek sa social media dahil sa pinost niyang linya na mula sa pelikulang “One More Chance”, ang 2007 film na pinagbidahan nila John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Kasama rin si Derek sa naturang movie. Pinost niya ang movie line na “Don’t ever think it was a mistake to find yourself – that you choose to love yourself a little bit more” na tungkol sa self-love. Nilagyan pa niya ito ng caption na “Wow talk about a blast from the past! #onemorechance #movielines @beaalonzo #jlc.”
Heto ang mga natanggap na bashing ni Derek mula sa netizens:
“LAOS ka na kasi Derek. Tanggapin mo nalang kasi wala ka na mapupuntahan kundi sa GMA7. mic drop.”

“Main excuse of a guy who wants out cause he’s eyeng his new ‘PREY’ Thats what real PREDATORS do…”

Pero meron din namang nagtanggol sa aktor.

“I don’t get why he gets all the hate. That’s the reality of life. Many couples break up and part ways even after years of being happy together. Who are we to judge? Do we know everything about them or him?”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy