Una sa Balita

I-disbar si Divina, 18 Aegis Brod sa Atio Slay

By
0 4,838

Mariing inirekomenda­ ng Senate committee on public order and dangerous drugs na pinamumunuan ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang agarang pagsibak ng Supreme Court (SC) bilang abogado kay University of Santo Tomas (UST) Faculty of Civil­ Law Dean Nilo Divina at sa 18 pang miyembro ng Aegis Juris fraternity dahil sa pagkamatay sa hazing ng freshman law student na si Horacio Tomas ‘Atio’ Castillo III.

“With all due respect to the power of the (SC) to discipline members of the Philippine Bar, this Committee recommends the immediate institution of proper disciplinary or disbarment proceedings,” nakasaad sa Senate Committee Report No. 232.

Ito’y makaraang lu­mabas sa pagdinig na sa kabila ng alam ni Divina at ng iba pang miyembro ng Aegis Juris ang pagkamatay ni Castillo ay nabigo ang mga ito na i-report sa mga awtoridad ang pangyayari.

“Although we re­cognize the number of disbarmen cases pen­ding before the Supreme Court, it is humbly requested that the issue at hand be given prefe­rence and be dealt with as soon as possible considering that another life was lost because of the barbaric practices of the fraternity,” ayon pa sa report.

Bukod kay Divina, tinukoy sa report ang iba pang abogado na pawang alumni ng fraternity na ipinasasalang sa disciplinary action o disbarment proceedings ng SC. Kabilang dito sina:

Marvi Abo
Alston Kevin Anarna
Edzel Bert Canlas
Cecilio Jimeno
Ferdinand Rogelio
Eric Fuentes
Cesar Ocampo Ona
Gaile Dante Acuzar Caraan
Henry Pablo Jr.
Jet Dela Peña Villaroman
Cesar Dela Fuente
Niño Kjell Servañez
Manuel Angelo Ventura III
Michael Vito
Arthur Capili
Irvin Joseph Fabella
Edwin Uy
Allan Agati.

Inirekomenda rin na patawan ng kasong administratibo ng mga ahensiyang kanilang pinapasukan ang mga miyembro ng Aegis Juris na nagtatrabaho sa gobyerno.

Kabilang dito sina Gaile Dante Acuzar Caraan na nagtatrabah­o sa Development Bank of the Philippines, Henry Pablo Jr. na empleyado ng Civil Service Commission at Ronald Cheng na kawani ng Korte Suprema.

“The actions taken by these members constitute grossly immoral­ conduct that is shocking, against the decency­ expected from lawyers and a mockery of the legal profession,” nakasaad sa report.

Nagsinungaling din umano si Divina nang sabihin nitong hindi na siya miyembro ng Aegis Juris mula nang umupo bilang dekano ng UST Faculty of Civil Law noong 2009.

“With respect to Dean Divina, photos showing his active participation during fraternity anniversaries and his discretionary acts before and even after Castillo’s death negate his neverending claims of temporarily severing ties with the fraternity,” bahagi pa ng committee report.

Kaugnay nito, pinaiimbestigahan din sa Department of Justice (DOJ) ang posibleng cover-up ng resident at alumni members ng Aegis Juris sa pagkamatay ni Castillo at inirekomenda ang paghahain ng mga kasong kriminal sa lahat ng sangkot sa hazing.

Nakasaad din sa rekomendasyon ang pag-amyenda sa 20 taon nang Republic Act No. 8049 o Anti-Hazing Law upang ipagbawal ang lahat ng uri ng hazing.

“All form of hazing shall be prohibited in fraternities, sororities, and organizations in schools, including citizens’ military training and citizens’ army trai­ning,” saad sa panukalang pagbabago.

Inirekomenda rin ang pag-amyenda sa Presidential Decree No. 1829 (Penalizing Obstruction of Apprehension and Prosecution of Criminal Offenders) upang itaas ang parusa sa masasangkot sa hazing.
Namatay ang 22-anyos na si Castillo sa ha­zing ng Aegis Juris noong Setyembre 2017. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More