Una sa Balita

Disaster relief and rehabilitation patuloy ngayong tag-ulan

By
0 43

Hunyo nang ideklara ng PAG­ASA ang simula ng tag-ulan sa ating bansa. Pagkatapos na­ting dumaan sa ma­tinding init, matinding ulan at baha naman ang sasagupain natin.

Noong mga nakaraang linggo, naranasan natin ang magkakasunod na pagbayo ng bagyong Henry at Inday, at ang tropical depression na pinangalanang Josie.

Ayon sa report ng Department of Agriculture, hindi bababa sa P1.55 billion ang naging pinsala sa agrikultura ng tatlo. Ibig sabihin, marami na naman sa ating kababayan ang mahihirapang buma­ngon matapos ang unos na dala ng panahon ng tag-ulan. Kaya pinulong na ni VP Leni Robredo simula noong Hunyo ang Angat Buhay team ng Office of the Vice President (OVP) para maghanda sa nalalapit na tag-ulan.

Maliban sa six key advocacy area na tinututukan ng anti-poverty program ni VP Leni, nakatuon din ang prog­rama sa pamamagitan ng Disaster Relief and Rehabilitation (DRR) na tulungan ang kababa­yan nating tinamaan ng kalamidad.

Matapos mapulong ni VP Leni ang mga Angat Buhay partner at makausap ang iba’t iba pang mga orga­nisasyong nagnanais makatulong sa ating kababayan, nakapaghatid tayo agad ng relief goods sa mga nasalanta.

Hulyo 25 nang tumulak papuntang Panga­sinan ang Angat Buhay team. Sa Dagupan City, Lingayen, at Calasiao dinala ang relief goods na naglalaman ng inuming tubig, food packs, at toiletries para makatulong sa mga kinailangang lumikas sa kanilang bahay at pansamantalang manirahan sa mga evacuation center. Sa sumunod na araw, sa Imus at Sto. Rosario, Cavite naman tumulak ang OVP kasama ang mga Angat Buhay partner para mamahagi ng relief goods.

Related Posts

Sa kalahatan, hindi bababa sa 4,200 relief goods ang tulong na naihatid ng Angat Buhay sa iba’t ibang lugar na apektado ng mga bagyo at tropical depression nitong nakaraang buwan.

Sa pagsisimula ng A­ngat Buhay, kasama ang DRR sa mga mode of engagement na tinututukan ni VP Leni. Ito ay para siguraduhing hindi natin malilimutang tulungan ang ating kababayang apektado ng mga kalamidad, at siguraduhing patuloy na mananahan sa kanila ang pag-asang makabangon mula sa kahirapan.

Patuloy na nakatutok ang Angat Buhay at mga partner na handang tumulong sa ating kababayan, umulan man o umaraw.

Hindi rin titigil si VP Leni at ang buong OVP para siguraduhing mabilis na maihatid ang tulong sa ating kababayang nangangailangan. Kasama ng DRR, ipagpapatuloy natin ang pagtulong na muling buuin ang mga bayang nawasak ng kalamidad, natural man o gawang-tao.

***

Si Georgina Hernandez ang tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo. Siya rin ang namumuno sa Angat Buhay program ni VP Leni. Layunin nitong tulungan ang pinakamahihirap na komunidad sa ating bansa sa pakikipag-partner sa mga pribadong kompan­ya at iba pang volunteer group.
Mag-email sa kanya sa angatbuhay@gmail.com o mag-text sa 0916-7050273.