Una sa Balita

Dirty job vs VP Leni

By
0 193

May suspetsa si Ifugao Rep. Teddy Brawner Baguilat na magsasanib puwersa ang super majority at minority bloc sa Kamara para ituloy ang pagpapa-impeach kay Vice President Leni Robredo.

“I have this suspicion that the coopted minority will do the dirty job for the super coalition in pushing the VP Robredo impeachment,” ani Baguilat kasunod ng pagkuwestiyon ng miyembro ng minority bloc sa Kamara sa desisyon ng 15 LP congressmen na hindi nila susuportahan ang impeachment case laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Unang sinabi ni ABS party-list Rep. Eugene de Vera na nagpe-playing safe lang umano ang LP nang sabihin ng mga ito na hindi nila susuportahan ang impeachment case laban kay Duterte.

“LP is playing safe daw by not supporting the impeachment. Eh what is the coopted minority’s position on impeachment? Whatever the admin dictates,” ani Baguilat.

Sa ngayon, bukod sa minority na pinamumunuan ni House minority leader Danilo Suarez kung saan miyembro si De Vera ay mayroong legitimate Minority na kinabilangan ni Baguilat.

Tila nagtataka si Baguilat dahil maingay ang minority sa planong pagpapa-impeach kay Robredo subalit tahimik ang mga ito sa impeachment case kay Duterte na ihinain ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More