Una sa Balita

Direktor ng ‘Wander Bra’ inakusahang magnanakaw

0 420

abante-i-know-better-jun-nardoNilinaw ni writer-director Joven Tan sa kanyang Facebook account ang akusasyon na inagaw niya umano ang idea sa ipalalabas na movie na “Wander Bra” na ang mga bida ay sina Cacai Bautista at Myrtle Sarrosa.

May screen shot siya ng sinulat na script na makikita ang date na 27/06/2012.

“Para sa kapanatagan ng loob ng ilang tao. Clear ko lang po. Matagal na pong nagawa ang script at screenplay ng wander bra at ngayon lang po ito naisapelikula.

“Hindi po yata fair na sabihin na may ‘nang-agaw’ ng idea ng iba. April 16 po ang sinasabi ninyong brainstorming ng idea, year 2012 pa po, may script na ang wander bra. Lahat tayo nagsisimula bilang baguhan, masakit maagawan ng idea pero mas masakit mapagbintangan sa hindi mo naman ginawa.

“Hope sa post na ito, matapos na ang lahat. Salamat,” pahayag ni Direk Tan.

Ang isang idea hangga’t hindi naisasalin sa panulat at nirerehistro ay kabilang sa unprotected works ayon sa Intellectual Property Code at sigurado namang alam ni Direk Joven na labag sa batas ang mangopya ng gawa ng iba, huh!

Patayan, kabitan handog ng GMA

Matapos ang kabitan sa hapon, patayan naman ang handog ng Kapuso Network sa afternoon series nitong “Ika-5 Utos” na mapapanood simula sa September 10.

Inspired ito sa tagumpay ng “Ika-6 Na Utos” na pinag-usapan at pinadapa ang mga katapat na programa, huh! Sa success ng series, na-extend hanggang Sabado ang episodes na never pang nangyari sa programming ng GMA.

Si Direk Laurice Guillen ang director ng bagong serye na siya ring nagdirek ng “Ika-6 Na Utos”. May kabitan din sa kuwento pero ang awayan ng tatlong pamilya ang sentro ng sigalot.

Bale ang “Ika-5 Utos” ang comeback show ni Gelli de Belen sa Channel 7. Pero hindi niya solo ang pagpapakita ng galing sa pag-arte dahil makakabangga niya sina Jean Garcia at Valerie Concepcion, huh!

Biro ng press sa ilang executives sa magkasunod na series mula sa Ten Commandments, aba, kumpletuhin na ang Sampung Utos para sa kanila na ang commandment-serye, huh!