Una sa Balita

Direktor ng Ika-6 Na Utos pinarangalan ng Archdiocese of Manila

By
0 46

Ngayon ay alam na natin kung bakit patuloy ang pamamayagpag ng GMA Afternoon Prime series na Ika-6 Na Utos. Hindi lang kasi mga aktor nito ang mahuhusay at award-winning.

After kasi manalo ng lead stars nito na sina Gabby Concepcion bilang Best Actor; Sunshine Dizon bilang Best Actress;

at Ryza Cenon bilang Best Supporting Actress sa katatapos lang na OFW Gawad Parangal 2017, ang direktor naman nitong si Direk Laurice Guillen ang tumanggap ng parangal mula sa Archdiocese of Manila bilang Patron of the Arts awardee ngayong taon.

Ayon sa aming source, ginawad ito sa kanya dahil sa mga kontribusyon niya bilang isang filmmaker at bilang isang loyal devotee ni Mama Mary.

Ate Vi maasikaso sa showbiz media

Napakagandang makita na ang mga artista natin ay naging mga politiko na seryosong naglilingkod sa bayan.

Nakaharap nga namin sila nu’ng mag- caroling ang PMPC members sa Batasan Pambansa kung saan kinantahan namin si Batangas Congresswoman Vilma Santos-Recto.

Ang ginawa ni Ate Vi ay inimbitahan niya ang mga artista sa Kong­reso, para samahan siya na pakinggan ang Christmas carols ng PMPC ca­rolers.

Kaya sama-sama sina Ate Vi, Alfred Vargas at Yul Servo na nakaharap ng mga manunulat sa showbiz.

Hindi nakarating si Lucy Torres. Pero duma­ting ang mga kinatawan nila para makisalamuha sa mga PMPC members.

Kaya ang saya-saya ng atmosphere sa Batasan nu’ng hapon na iyon.

Pero, nakakabilib talaga si Ate Vi na maasikaso pa rin talaga siya sa mga taga-showbiz.

I-Bilib wagi sa Anak TV

Mas lalo kaming naengganyo manood ng I-Bilib tuwing Linggo ng umaga dahil talaga namang nakaka-proud ang Kapuso show na ito.

Biruin mo, ilang magkakasunod na taon nang pinarara­ngalan ito sa well-loved award-giving body na Anak TV Awards.

Ngayon, muli na naman itong pinarangalan ng Anak TV Seal award, patunay lang na para sa mga bata ang progra­mang ito. Napakahusay!

Samantala, ‪this Sunday (Dec. 17), get ready for another amazing episode kasama ang Kapuso actress na si Arra San Agustin.

Subaybayan ang mga science experiments na ihahandog ni Chris Tiu kasama sina Roadfill at James sa I-Bilib. Tutok na, mga Kapuso!