Una sa Balita

Direktor ng ‘Ang Probinsyano’ lumipat sa ‘Cain at Abel’

By
0 2,300
 
Wala raw naging problema sa pagiging guest director ni Toto ­Natividad sa teleserye na “Cain at Abel.” Galing sa teleserye na “FPJ’s Ang Probinsyano” si ­Direk Toto na magiging katapat ng “Cain at Abel.”
Ayon kay Direk Toto, pumirma siya ng release contract sa ABS-CBN 2 kaya maayos daw ang pag-alis niya sa show ni Coco Martin.
 
“Maayos akong nagpaalam sa kanila. Tatlong taon na rin ‘yung show na iyon at gusto ko namang i-share ang mga nalalaman ko sa bagong show na ito ng GMA-7,” ngiti pa ni ­Direk Toto.
 
Natuwa naman si Direk Toto dahil first time niyang makakatrabaho ang dalawang hari ng Kapuso network na sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.
 
“Maraming bago na mapapanood sa ‘Cain at Abel.’ Nakikita ko naman sa dalawang lead actors na ready sila sa mga mabibigat na eksena. They are both physically and mentally prepared.
 
“Masaya lang ako na makatrabaho sila sa bagong maaksyon na teleserye,” diin pa niya.
 
Hindi naman sinagot ni Direk Toto ang mga naging dahilan daw kung bakit siya umalis sa teleserye na “Ang Probinsyano.”
 
“Ang importante ay nandito tayo sa ‘Cain at Abel’ at pinagkakatiwalaan nila ang kakayahan ko bilang isang director,” pagtapos pa ni Direk Toto na nakilala dahil sa mga box-office action films niya noon with Cesar Montano, Rudy Fernandez, Eddie Garcia, Phillip Salvador, Lito Lapid at Bong Revilla

 

‘Cain at Abel’ maraming pasabog ngayong gabi

 
Kaabang-abang ang pagsisimula ng “Cain at Abel” ngayong gabi, ang most-­anticipated Kapuso primetime series ng taon. Mababasa nga sa social media na excited na ang halos lahat lalo pa at pinagbibidahan ito ng dalawang bigating hari ng GMA – sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at ­Kapuso Drama King Dennis Trillo kasama sina Solenn Heussaff at Sanya Lopez.
 
Ang “Cain at Abel” ay kuwento ng dala­wang magkapatid na sina Daniel (Dingdong) at Miguel (Dennis) na nagkalayo at naging matinding magkakumpitensya tulad na lamang ng kuwento ng dalawang karakter sa Bibliya na sina Cain at Abel. Napakalalim nga ng inspirasyon ng kuwento nito!
 
At siguradong mas kapana-panabik ang mga eksenang dapat abangan sa pinakabagong family drama series na ito ng GMA-7. Curious tuloy kami kung sino kina Dingdong at Dennis sina Cain at si Abel?
Well, alamin ‘yan ngayong gabi sa GMA ­Telebabad!
 

 

 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy