Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Direktang suporta hindi lang ayuda

0 103

Nitong mga nakaraang linggo, nakapaghatid tayo ng tulong sa iba’t ibang komunidad sa Camarines Sur, Isabela, Rizal, Marikina, Albay, Catanduanes, Cagayan, at Quezon Province. Maliban sa mga relief goods, may bitbit rin tayong mga hot meals, mattresses, mga kumot at banig, pati siyempre mga face masks lalo na’t dagsa ang mga kababayan natin sa mga evacuation centers. Ang lahat ng ito ay aming inuulat sa Facebook page ni VP Leni Robredo para maipakita sa mga donors na nakararating ang kanilang mga donasyon, at upang ipaaalala sa nakararami na may nagagawa man tayo sa araw-araw, marami pa rin sa ating mga kababayan ang nangangailangan pa rin ng tulong.

Ito ang puno’t dulo ng pagtatrabaho ng puspusan ni VP Leni at ng buong Tanggapan: Ang mga kababayan nating patuloy ang hinaing dahil sa bigat ng pinagdaraanan nila matapos maminsala ang bagyong Rolly at Ulyses. Napakarami ng mga humihingi ng tulong mula sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa. Kaya’t halos araw-araw bukas ang Tanggapan hanggang sa kalaliman ng gabi para lang makapag-repack at madala agad ang mga donasyon. Ngunit hindi lang dito natatapos ang pagtulong natin.

Sinisigurado ni VP Leni na siya mismo ang makakabisita sa mga kababayan natin. Mahalaga ito dahil maliban sa materyal na kailangan tulad ng mga relief goods, importante na mapunuan din ang emosyonal nilang pangangailangan. Kaya’t may panganib mang hinaharap—dahil sa masamang panahon o ang pangamba laban sa COVID19—pinipilit ni VP Leni na siya mismo ang makapunta at makausap ng ating mga kababayan.

Mahalaga ang pakiramdam na hindi ka nakalilimutan, lalo pa ng iyo mismong pamahalaan: Iyong mayroon kang mga kababayan, mayroon kang gobyerno na patuloy na nagbabantay sa iyo, at patuloy na susuporta sa iyo. At no man mangyari, maasahan mo lalo sa panahon na ikaw ay dumadaan sa paghihirap o sa panahon na nasa gitna ka ng krisis.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ganoon naman talaga ang istilo ni VP, mula pa man noong siya ay Kongresista ng Camarines Sur. Hindi sapat na may proyekto, hindi sapat na mayroong mga programa na nandiyan para tulungan ang kaniyang mga constituents, ang kaniyang mga kababayan. Para sa kanya, kailangan nararamdaman ang kaniyang pamumuno. Ibig sabihin napupuntahan niya, nakakausap niya mismo para mayroong pagkakataon na maipaabot sa kanya ang kanilang mga kuwento, ang kanilang dinanas.

Dahil kahit papaano, nakakapagpagaang ng loob iyon. Ang mapakinggan ka, malaman ang mga hinaing mo at mapaabot mo mismo direkta doon sa taong namumuno kung ano ang inyong dinanas at kung ano ang tingin mong kailangan pa niyong matanggap. Kung ano ang tingin niyong dapat mangyari pa.

Kaya nitong nakaraang dalawang linggo, ito ang tiniyak ni VP Leni sa pagpunta sa mga lugar na higit na napinsala. Maliban sa pakikipagusap sa mga local officials natin, sinigurado niya na kausapin mismo ang mga taong naapektuhan ng bagyo. Pinakinggan niya ang mga kuwento ng mga nasiraan ang bahay, ng mga napilitang lumikas sa evacuation center, pati na ang hinagpis ng mga nawalan ng pamilya at kamag-anak.

Nadalhan niya ng tulong at nakakaausap niya, para maiparamdam ang kapasidad ng ating pambansang pamahalaan na hindi lang para abutin at magpakita sa kanila, kung hindi pakinggan rin sila, at dalhan ng direktang suporta na higit nilang kailangan.

Hindi natatapos ang pangangailangan ng ating mga kababayan sa paunang ayuda. Kailangan nila mismo maramdaman ang suporta at pagkalinga na hindi sila iiwan at kakalimutan ng mga pinunong inaasahan nila, para manatiling buhay ang pag-asa na mag-aakay sa kanila para makakabangon muli mula sa pinagdaanan nating mabigat na trahedya.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.