Una sa Balita

Direk Rico, no-show sa premiere night ng movie niya

By
0 34

Palaisipan sa mga dumalo sa premiere night ng Sagimsim sa SM Megamall Cinema 6 noong Biyernes ang hindi pagsipot ng direktor na si Rico Gutierrez. May narinig kami na kuwento na diumano, may isyu ang no-show ni Rico at ito ang aalamin namin.

Mga bida sa Sagimsim sina Jay Manalo at Lara Quigaman. Tungkol sa “The Big One” o malakas na lindol na magaganap sa Metro Manila ang kuwento ng Sagimsim na unang movie project ng JGYU Films Production.

Layunin ng Sagimsim na ipakita sa manonood ang iba’t ibang uri ng disaster management (mitigation, preparedness, response, and recovery) sa paraan na madali kaya nabuo ang partnership ng JGYU Films Production at The Manila Disaster Risk Reduction Council.

Present sa premiere night ng Sagimsim ang mga miyembro ng rescue team ng MDRRC dahil sinagot nila ang lahat ng mga katanungan ng audience tungkol sa nakaamba na panganib na dala ng “The Big One”.

Namigay rin sila ng mga silbato at mini flashlights na dapat dalhin sa lahat ng oras para sa anumang sakuna na posibleng mangyari.