Una sa Balita

Direk Mark sobrang istrikto kina Jose, Paolo at Wally  

By
0 10

Si Direk Mark kasi kilala naman ng lahat ‘yan. Mabusisi siyang magtrabaho. ‘Yun nga akala namin, comedy lang ang gagawin namin. Ipinaliwanag niya sa amin ang gusto niyang gawin namin.

Medyo istrikto siya sa lahat ng bagay. Matagal gumawa si Direk Mark. Pero maganda ang kinalabasan habang tumatagal. Maayos naman,” say ni Lola Tinidora aka Jose Manalo.

“Ako naman, pag si Direk Mark, ang fee­ling ko, ako si Amihan (character sa Encantadia). Pero mas madalas si Pirena kasi madyinit. Mini-make sure ‘yung fight scenes magaganda,” sey naman ni Lola Tidora aka Paolo Ballesteros.

Maging ‘yung kinuhang gumanap na zombies sa movie, binusisi nang husto ng director na hindi pangkaraniwan ang make up at galaw lalo na sa habulan scenes. Pinagbawalan din daw ang lahat ng cast na mag-post sa kanilang social media account kaya naman, maraming nabulaga na may natapos silang Trip Ubusan movie starring ang tatlong Lolas ng showbiz.

‘Buy Bust’ ni Anne madugo, mabusisi
Direk Erik ayaw na sa MMFF

Ibinalandra ni Direk Erik Matti sa kanyang Facebook account ang halos dalawang taon niyang paggawa ng action-packed movie na Buy Bust.

May timeline pa sa teaser ng tinagurian niyang toug­hest shoot in Philippine cinema na nagsimula nu’ng June 2016 kung saan nag-training para sa fight scenes ang mga bidang sina Anne Curtis at Brandon Vera. August naman nagsimula ang casting para sa ibang artista.

October nu’ng mag-test shoot sila at December nang planuhin ang paggawa ng mala­king set at marami pang ginawa bago sinimulan ang unang shooting nitong March 2017.

Nakasaad pa sa video na may 217 crew, 1000 plus na extras, 309 stuntmen, 50 nights of rain, 928 liters of blood, 15,000 plus bullets, 23,000 plus explosives, 250,000 grams of gunpowder.

Pero hindi pa tapos ang shooting ng mo­vie. Natigil ito dahil sa kasal ni Anne kay Erwan Heussaff.

Ayon kay Direk Erik, ito ang “toughest shoot I’ve ever done. And yes, this is ambitious.”
Lumabas ang teaser ng Buy Bust the night before (Thursday) i-announce ng Metro Manila Film Festival 2017 Executive Committee ang remaining final four entry ngayon para sa December moviefest.

As we all know, nagdesisyon ang producers ng movie na huwag nang isumite pa ang kanilang finished product after ng announcement ng ­unang apat na official entries.