Vilma, malaki ang utang na loob kay Direk Maning…

Direk Maning Borlaza, pumanaw na…

By

Pumanaw na kahapon ang premyado at bete­ranong writer-director na si Emmanuel Borlaza o mas kilala sa showbiz bilang Maning sa edad na 81. Huli namin siyang nakita sa burol ng mo­vie critic/writer na si Mario Hernando sa Mt. Carmel kung saan nag-uusap sila ni Congressman Vilma Santos-Recto.

“My!! Enough of sad news! (Nway, last saw him sa wake ni Mario H. Magkatabi kami/tayo Jun…At dami napag-usapan including my first Famas Best Actress sa movie naming DAMA DE NOCHE…na siya rin director and my movie LIPAD, DARNA, LIPAD…mga movies ko na sa kanya ang screenplay!

“Pati mga naging problema ko sa personal kong buhay nuon…alam niya. Adviser ko rin siya sa buhay ko. Sad news.

“Kung saan man ako ngayon at status ko sa career…recognitions na nakukuha ko…malaki ang parte nyan ni direk Maning Borlaza!!!

“Trivia…siya ang director na may pinakamagandang legs!!! Alam niya yan at ipinagmamalaki niya! Salamat Jun!” text sa amin ni Ate Vi sa pagpanaw ng kaibigang director.

Si Direk Maning ang nagdirek kay Ate Vi ng pelikulang Dama de Noche na nagbigay sa kanya ng una niyang Best Actress award. Wala kasing kopya si Cong. Vi ng nasabing pelikula kaya nagpapatulong siya sa kaibigang director para makakuha ng kopya.

Malaki ang naging bahagi ng showbiz career ni Ate Vi sa Direk Maning na ayon sa ilang info sa Google, naidirek niya ng 24 na pelikula gaya ng Dyesebel at ang Mahiwagang Kabibe, Darna and the Giants, Tsimosang Tindera, Mga Rosas sa Putikan at marami pang iba. Huli niyang idinirek si Ate Vi sa Ibigay Mo Sa Akin ang Bukas nu’ng late 80s.

Kuminang din ang pangalan ni Alma Moreno nang idirek siya ni Borlaza sa Eva Fonda 16 at hi­git na nagmarka si Sharon Cuneta sa dinirek niyang movies nito na Bituing Walang Ningning at Bukas, Luluhod ang mga Tala. Naidirek din niya si Snooky Serna sa Blusang Itim at si Maricel Soriano sa Yesterday, Today and Tomorrow.

Naging board director ng MTRCB si Maning mula nang hindi na naging active sa pagsusulat at pagdidirek. As of this writing, wala pang reaksyon si Shawie at iba pang artistang natulungan ng director, pati na detalye ng pagkamatay at kung saan ibuburol.

Condolences sa mga naiwan ni Direk Maning gayundin sa naiwan ng dati naming boss sa Cine Suerte na si Tony Calvento.


Ivan Padilla, perfect actor para kay Alessandra de Rossi

Bumilib si Alessandra de Rossi sa bagong leading man sa movie niyang 12 na si Ivan Padilla matapos mabasa ang credentials niya sa Hollywood. Sampung taon kasing nag-aral ng acting si Ivan bago napasok sa foreign TV series na Dexter, CSI Miami at CSI New York.

“I found my leading man. He’s the perfect actor! Hindi ako nagkamali. May taste talaga ako! May taste! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Alex sa presscon ng 12.

Hindi na niya pinakawalan si Ivan para maging leading man dahil sumakto siya sa role na magaling sa drama at batuhan ng mahahabang linya. Hindi ba pumasok sa utak niya na kunin ang rumored BF niyang si Marc Abaya para makapareha sa bagong movie?

“Hindi. Kasi ang totoo niyan, nu’ng sinusulat ko siya, tinatawagan ko siya para tulungan niya akong mag-monologue ng lalaki! Ha! Ha! Ha! Ang hirap mag-isip kung paano magsa­lita ang lalaki. O kunwari, ganito ang sitwasyon. Bigyan kita ng ganito, ganito, ganyan, ganyan.

“So parang imposibleng ikunsider mo siya doon dahil parang nakakatawa siya. Parang magmumukhang comedy so ‘yon,” rason ng aktres.

“Work eh. Ang weird kasing tingnan. Gusto ko rin siyang makatrabaho pero hindi for this film,” susog pa ng bagong Box-office Queen.

May partisipasyon din sa film si Marc na siyang naglapat ng musika sa theme song na komposisyon at kinanta ni Alessandra.

SHARE