Una sa Balita

Diplomat ng 23 bansa pinalayas sa Russia

0 825

PINALAYAS sa Russia ang mga diplomat mula sa 23 bansa bilang ganti sa ginawang pagsipa sa kanilang mga diplomat bunsod ng insidente ng paglason sa dating espiya ng Russia sa Britain.

Nitong nakaraang ling­go lamang ay pinauwi ang higit 135 diplomat ng Russia sa Estados Unidos, Canada at Europa bunsod ng ginawang paglason kay Sergei Skripal at anak na si Yulia habang nasa Salisbury, England noong Marso 4.

Ayon sa state-run Sputnik news outlet ng Russia, sinipa na nila ang 13 Ukrainian, 4 Canadian, 4 Polish, 4 German, 3 Lithuanian, 3 Czech, 3 Moldovan, 2 Italian, 2 Dutch, 2 Spanish at 2 Danish diplomats.

Pinalayas din nila ang tig-isang diplomat ng Finland, Latvia, Switzerland, Norway, Romania, Crotia, Ireland at pati na ang militaty attaché ng Estonia.

Binabalak din nilang buweltahan ang Belguim, Hungary, Montenegro at Georgia dahil sa ginawang pagkampi sa naging hakbang ng United Kingdom.