Una sa Balita

Diouf, CEU starstruck sa Ateneo

0 257

Finals Game 2 ngayon:
(Ynares Sports Arena/Pasig)
4:00pm — Cignal-Ateneo vs. CEU
(Cignal leads series 1-0)

MAHIRAP isipin kung paano ang undermanned na Centro Escolar University (CEU) ay makakapanggulat at tatalunin ang Cignal-Ateneo sa 2019 PBA Developmental League Finals.

Muling maghaharap ang dalawang tropa sa Game 2 ng best-of-five series ngayong Martes, alas-kwatro ng hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Mas lamang ang Blue Eagles at inaasahan na muli nilang dodominahin ang laro kontra sa eight-man rotation ng Scorpions.

Binugbog nang husto ng Blue Eagles ang Scorpions sa Game 1 noong Huwebes kung saan dinagit nito ang 101-66 na panalo, na maituturing na isa sa tambakang Finals sa kasaysayan ng D-League. (Fergus Josue, Jr.)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy