Una sa Balita

Dionne, binalak halayin ng lalake na maimpluwensiya sa showbiz

By
0 18

Dahil naging big issue ang sexual harassment sa Hollywood ngayon, may ilang local celebrities natin ang umamin na nagkaroon sila ng hindi magandang karanasan sa kamay ng mga lalake noong nagsisimula pa lang sila.

Black, Gray, Gold, Calm.

A post shared by MADAM (@dionne) on

Isa sa umamin na muntik na siyang makaranas na ma-harass sexually ay ang aktres na si Dionne Monsanto­. Noong nagsisimula pa lang sa kanyang pagiging artista sa Cebu sa edad na 16, may isang lalake na may koneksyon sa showbiz ang kinukulit siyang mag-date sila.

“Ang nakakagulat pa sa guy na ito, kaibigan siya ng mommy ko. Kaya kasing-edad niya ito.
“This guy, huwag na lang nating banggitin ang name niya, he really has connections sa showbiz at may mga pinapangako siya sa akin. Tapos kinukulit niya akong mag-date kami.
“Akala niya siguro porke’t bata ako noon, basta na lang ako papayag na sasama ako sa kanya.

“Lagi kong sinasabi sa kanya na isasama ko ang mommy kapag nag-dinner kami. Hindi siya pumapayag. Dapat daw ako lang.

“Panay ang kulit niya sa akin na lumabas kami, may ipapakilala raw siya sa akin. Mga ganun ang chika niya. Pero never akong sumama sa kanya hanggang sa nagsawa na lang siya.

“Hindi ko sinabi iyon sa mommy­ ko kasi natatako­t ako na baka magalit siya at sugu­rin niya ‘yung guy na kaibigan pa niya,” kuwento pa ni Dionne.

Noong maging housemate na sa PBB si Dionne at maging artista na sa ABS-CBN 2, mas marami raw na mga umaligid sa kanya, mostly mga politicians daw.

“May style ang mga ‘yan, eh. Una kang tatawagan ng assistant or secretary nila. Mag-i-inquire sa‘yo dahil kukunin ka raw mag-perform sa ganitong big event nila. Siyempre, matutuwa ka kasi raket ‘yan, eh.

“Pero biglang hihirit na gusto raw akong maka-dinner ni sir para pag-usapan ang details. Lagi kong sinasabi na isasama ko ang manager ko. Kapag ‘yun na ang sinabi ko, hindi na sila ulit tatawag.

“Kaya sanay na ako sa mga style nila. Hindi nila ako mabobola. Kung desperada lang ako at bumigay ako sa isang politician, siguro hindi ko na kailangang mag-artista at producer na lang ako,” sabi pa rin niya.

Utang na loob daw ni Dionne ang pagiging masipag niya sa kaniyang ina na tumayong single parent sa kanilang apat na magkakapatid.

“Laki ako sa hirap, alam ko ang feeling na kapos sa pera, kailangan magtipid­ and all that. Kaya hindi ako agad-agad nasisilaw sa mga offers ng mga D.O.M., ng mga politicians na ‘yan kasi sanay ako magbanat ng buto,” diin pa niya.

Kaya naman habang wala pang pinagkakaabalahang teleserye si Dionne, abala ito sa gagawin niyang live comedy show na Walang KokontraBIDA­ with Tart Carlos and Dodj Mallari on December 1 sa Newport Performing Arts Theater at ang pag-host din nila ng Christma­s By Manila Bay na charit­y projects ng Department of Tourism sa Quirino Grandstand.